Matapos ang napakahabang panahon, kahapon, napagisip-isip ko na hanggang picture na lang ba ang ipopost ko sa blog ko?. Kakaririn ko na ba talaga ang aking sinumpaang kagaguhan? Wala na ba talaga akong maisip ipost kundi ang mga kagilagilalas na pictures?
Well, narealize ko na kahit papano ay maglagay naman ako ng mga bagay na makabuluhan kahit may konting kalokohan para naman hindi nakakabato tingnan paulit-ulit ang mga nakaraang posts ko.
Dream University ko talaga ang DLSU, Ateneo de Manila & UST. Aside from the fact na doon ang mga naging tropa ko, wala naman, gusto ko lang talaga doon. Kaya naman sa PUP ako pinag-aral ng mga magulang ko. Hindi daw kasi pwede masunod ang mga luho ko. Amp. Edi nung nag-enroll ako, nag-aaway na talaga ang mga paa ko sa sobrang tagal ng itinayo ko sa bonggang pila na halos tumagal ng isang araw. Ang laki talaga nung university na yun. Yung tipong pag ikaw ay hinoldap, grinipuhan sinalvage at isinilid sa talahiban ay hindi ka na maaring makita pa.
Parang napapalayo yung topic ko. Haha.
June 14, 2009, Sunday
So ayun, pagkatapos ko i-download yung movie na FIRED UP, dali dali akong nilagay iyon sa iPod para mapanood ko habang nakahiga ako. Parang tanga lang no? Nasa kalagitnaan na ng movie nang naisip ko na maaga dapat ako magising. Pinatay ko yung iPod at nag-GM ako sa lahat ng nasa Phone Book ko kung gaano ako hatot sa first day of classes.
Pasado Alas Nuebe ng gabi , hindi ako makatulog. Ewan ko ba kung anong duday ang nangyayari pero kahit anong pikit at pag-attempt ko na matulog, ayaw talaga mangyari. Alas Onse, dilat pa rin ang mga mata ko. Pukina, di ko na talaga alam kung ano’ng gagawin ko. Ngayon lang talaga ako nataranta na sobra na ang tanging dahilan ay di ako makatulog.
Makalipas ang 5 minutes, aba! Akalain mong naghihilik na agad ako. Sobrang sarap talaga ng tulog ko nun. Pero, matapos ang tila napakahabang paghimbing, parang nagising ako. Feeling ko talaga ay alas singko na at kailangan ko na maligo. Dali-dali akong pumunta ng CR nang biglang napatingin ako sa orasan. Pucha! Ala una palang! Dalawang oras palang ang tulog ko. Kumaripas ako ng takbo patungo sa kwarto para subukan kung makakatulog ulit ako.
ZzZzZz… Buti naman at nakisama ang mundo.
June 15, 2009, Monday
Ang aga ko nagising. Alas sais palang ay nasa LRT na’ko. Akalain mong siksikan pala pag umaga. Badtrip nga eh, sa lahat pa ng pwedeng makatabi sa loob ng tren any nakatabi ko pa ang isang mukhang squatter na amoy TINAPAY…yung PUTOK. So ayun na nga, paglabas ko ng V. MAPA Station, basang basa ako. As in! Yung tipong parang kaluluwal lang sa akin mula sa sinapupunan. Grabe nakaka-haggard talaga.
Pagdating ko sa campus, gulat naman ako nang nandun ang Staff and Crew ng Unang Hirit kasama ang nga babaeng tumutugtog gamit ang kawayan. Nakakaaliw talaga panoorin pero nung naghahanap ng nang mai-interview ang GMA. Tago agad ako dun sa liblib, malapit sa talahiban.
7:38 AM
Sa West Wing ang classroom ko. Room 503 fifth Floor. Homaygad! Nakakapagod paakyat.Nakakadagdag talaga ng stress. Pero hindi iyon ang kinainis ko. Nung narating ko yung mala-bundok ng Tralala yung floor na yun, Narealize ko na nasa North Wing pala ako umakyat. Putang inang shit. Umikot pa ako at ginalugad ang bawat silid na madaanan ko. Ang sarap mag EMO-emohan nung nga moment na yun.
Matapos ang mala-Passion of the Christ na paghahanap, AYUN! Nakita ko din siya. Dali dali akong pumasok sa loob at pinili kong umupo sa pinakalikod at gitnang bahagi para magpakapampam. So dahil wala akong masyadong kilala, nagself pity ako at nagpakaisa. After a while, may pumasok sa silid namin at niyaya kami sa isang GETTING-TO-KNOW-EACH-OTHER drama. Kinabahan ako kasi akala ko may interview pa. wala naman. Ang mga sasabihin lang naman pala ay ang pangalan, edad ay school na pinanggalingan. At dahil nasa likod ako ay kampante ako na aabutin ng oras bago ako matawag. Pero tae talaga. Ang mundo walang pakikisama. Last minute na ay umabot pa rin sa akin. Sa ayun. Wala akong nagawa. Huhu.
10:30 AM
Break namin. Wala lang.
12:00 Noon
Ayan, bumalik nanaman yung pumunta sa silid namin kanina. Sinasamantala na wala pa yung professor namin sa College Algebra. Tinatanong niya kung meron na ba daw kaming Class officers. Well, ano ba namang klaseng tanong ‘yan? Hello? First day palang at di pa namin masyado kilala yung isa’t isa. Pero hindi ko iyon sinabi sa kanya, sa isip ko lang. Baka mapaslang ako nun eh.
Nag umpisa na sila sa Nomination of Class Officers habang ako ay nag e-emote pa dun sa likod. Wala akong masyadong magawa nung mg time na yun kaya tumulala ako. – All of the sudden, may biglang nagtaas ng kamay at sinabing “I nominate Kuya (sabay turo sa akin) Yan po. Si Mr. Sungit (buti nalang hindi Singit).” Aba Siyempre nataranta ako. Bukod sa hindi ko pa masyado close ang mga tao dito e kailangan ko pang pumunta sa harap at ipakilala ang sarili at ang aking adhikain. Hehe. Eh parang ang pangit naman self title na MR.SUNGIT kaya sinibukan ko mag-SMILE. :]
Biglang dumating yung professor namin. Ayaw niya pa naman magsulat sa blackboard o kahit sa hangin man lang kaya sinabi niya nalang ang mga isusulat namin sa notebook. Habang pahirapan sa pagtuklas sa kung ano man ang sinasabi niya sa amin. Heto naman ang isang nagpadagdag na pagkalito sa utak kong parang sabaw na sa kakagamit, parang yung sabi ni Judy Ann, SAPAL. Yung mga ACTIVISTS, nandun sa ground floor. Isinisigaw nila ang mga karapatan ng studyante. Wag daw sila babuyin dahil sila daw ang dahilan kaya nananatiling matatag ang campus. Wag daw sila susubukan kundi magrarally sila ng bongga.
Hayy, BITTER? Hehe.. :]