Pilipippoy

All About Nonsense and Shit to Keep You Busy.

Subscribe
Add to Technorati Favourites
Add to del.icio.us
Friday, July 24, 2009

True Friend

Posted by Paul

Pano mo ba masasabing close na kayo ng kaibigan/mga kaibigan mo?

may naisip akong sampung bagay na sa tingin ko ay pwedeng maging basehan na close na kayo!

:)

1) Alam na alam nyo na na kapag nasa inuman eh kayong dalawa ang magaasikaso ng mga bangenge nyong kainuman!

2) Nagkwekwentuhan na kayo sa magkabilang cubicle habang damang dama mo ang swabeng ebak na dumadaloy mula sa pwet mo sa magkabilang cubicle!

3) Pwedeng pwede mong ipagkalat na bakla sya kahit tunay syang babae!

4) Buburahin mo ang number niya sa CP mo pero saulo mo naman.

5) Kaya mong mangulagot sa harap niya

6) Kahit mahigit sinkwenta na sya e pwede mo syang balahurain!

7) Araw araw kayong nag gu-good morning sa isa’t isa…nanginginig nginig pa dahil gusto mo mauna sa kanya sa pagbati sa GM!

8 ) Hindi mo sya ginigising pag tulog sya dahil pareho din kayong puyat

9) Di mo na sila binabayaran pag natalo ka sa sugal.

10) Nasa taas sila ng listahan mo ng mga iimbitahan pag me gimik!