Pilipippoy

All About Nonsense and Shit to Keep You Busy.

Subscribe
Add to Technorati Favourites
Add to del.icio.us
Sunday, June 21, 2009

Napako ang pramis ko

Posted by Paul

Last week lang nang i-bargain ko ang blog ko sa madla dala dala ang pangakong ia-update ko iyon araw araw. Pero naging busy ako eh. Nung Wednesday wala akong pasok pero parang nawala sa isip ko ang magpost ng entry. Instead, pinalitan ko na lang yung background ng blog ko. Kaya pasensya na. Ok?


June 16, 2009

Sa sobrang tagal na hindi ako nag post, nakalimutan ko ang nangyari sa araw na ito. Shet!



June 18, 2009

Wala akong pasok nung 17. Haha.
3rd Day ko sa university at sinusubukan ko parin mag-adjust sa mga nilalang na nakakasalamuha ko. Still, loner parin ako sa loob ng room. May mga katabi nga ako pero parang ayaw naman akong kausapin. Nakakapanis talaga ng laway. 1st subject namin ang English. Buti naman at sa wakas ay pumasok ang prof namin. Sabik na sabik na talaga ako sa kanya…JOKE! Ayun, buti naman ay naantala ang pagiging mapag-isa ko. Nagpaparticipate naman ako sa klase pero kahit anong gawin kong pagpapa-cute eh parang wala talagang nangangahas na lumapit at kumausap sa akin. Nang umalis ang prof, may nakipagpalit ng upuan at tumabi sa akin. Itago natin siya sa pangalang Jennel, tunay niyang pangalan. ininterrogate niya ako na para bang sakot ako sa isang drug deal. Grabe! Tadtad ako sa tanong. Pero yun ang nagbigay daan para mailabas ko ang tunay kong kahayupan. Na-appreciate nila na meron din pala akong sense of humor. Simula nang nagpatawa ako, ayun…hindi ko na mapigilan. Kahit ayaw na nila, SIGE parin ako.
Makalipas ang mistulang 4.5 hours na free time dahil wala kaming prof, bumaba kami ng campus para halughugin kung saang lupalop napadpad ang PE teacher namin. Nanatili kami sa volleyball court

[to be continued…]

...tumae kasi ako saglit after ko i-type yung first paragraph tapos tinamad na ako